Coca-Cola: 100-Year-Old Man Shares the Secret to Happiness
Napakalaki ng mundo, napakadaling maligaw ang landas mo. Bilang gabay, simple lang ang payo ko… Hanapin nyo kung ano ang magpapasaya sayo.
Napakabilis ng panahon. Wag mong sasayangin sa mga walang kabuluhang bagay. At gaano man kalayo ang marating, huwag mong kakalimutan kung saan ka nanggaling.
Sa haba ng buhay ko nagpapasalamat ako sa bawat sandali na nakasama ang mga kaibigan at pamilya.
Pinanganak ka para maging maligaya. Ang mga kaibigan at pamilya mo ang magpapakita kung papaano.